-- Advertisements --
Asahan ng panibagong bawas presyo sa mga produktong langis sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na asahan ang hanggang P3.50 na bawas presyo sa kada litro ng diesel.
Habang ang gasolina ay mayroong bawas ng hanggang P1.10 sa kada litro at hanggang P3.50 na bawas naman sa kada litro ng kerosene.
Sa araw pa ng Lunes iaanunsiyo ng DOE kung magkano ang bawas presyo na kadalasan ay ipinapatupad tuwing araw ng Martes.
















