-- Advertisements --

(Update) NAGA CITY – Sasampahan ng patung-patong na kaso ang driver ng truck na responsable sa pagbangga ng minamaneho nitong 10-wheeler truck sa isang ambulansya sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa Tagkawayan Quezon Police, reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to properties ang ihahain nila sa suspek.

Una rito, apat ang namatay habang tatlo ang sugatan sa naturang vehicular accident kaninang umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Melchor Escandor (driver ng ambulansya), Jocelyn Espadero, Silvestre Camposano at isang hindi muna pinangalanang bata.

Naging pahirapan pa ang pagtanggal sa mga sakay ng nayuping ambulansya dahil sa pinaniniwalaang malakas na impact ng nagsalpukang sasakyan.

Tinitingnan din ang masamang lagay ng panahon, na posibleng naging sanhi ng malabong paningin ng mga driver.

Ang mga nasugatan naman sa aksidente ay nananatili sa Maria Eleazar District Hospital sa naturang probinsya.