Itinuturing ni Baron Geisler bilang blessing ang pagsailalim niya na sa training bilang military reservist.
Ayon sa 38-year old actor, nagpapasalamat siya sa Panginoon na gumabay sa kanya patungo sa tamang landas.
Nagkaroon aniya ng purpose ang kanyang buhay dahil magsisilbi na rin sa bansa.
Kahanay na ni Geisler sa military training ang mga kapwa artista na sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Arci Muñoz, at beauty queen na si “Winwyn” Marquez.
Kung maaalala, nitong Hunyo naman ay ipinagmalaki ng aktor na si Wendell Ramos ang pagiging certified member ng ABP (Ang Bumbero ng Pilipinas) bagama’t aminadong marami pa rin siyang dapat na matutunan at maranasan.
Matatandaang madalas masangkot sa kontrobersya si Baron kasabay ng pagiging labas-masok sa rehab center dahil umano sa pagiging alcoholic.
Ilan din sa mga aktres na nag-akusa noon ng pambabastos laban kay Baron ay sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete, at Cherrie Pie Picache.