CEBU CITY — Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG)-7 ang dahilan ng pagkasunog ng isang rolling cargo sa Catmon, Cebu.
Ayon sa tagapagsalita ngi PCG-7 na si Commander Alvin Dagalea, bumiyahe ang barkong MV Filipinas Dinagat papuntang Palompon, Leyte mula sa Pier 1 sa Cebu City kagabi.
Napag-alamang abandonado ang nasunog na barko na pagmamay-ari ng Cokaliong Shipping Lines.
Dali-dali namang rumesponde ang PCG-7 matapos makatanggap ng distress call at nailigtas naman agad ang kapitan ng barko kasama ang 47 crew members nito.
Dagdag pa ni Dagalea na walang pasahero ang barko, pero may karga itong mga assorted goods.
Natupok naman ng malaking apoy ang 95% ng nasabing barko at nakaangkla ngayon ito sa kalapit nitong daungan upang isagawa ang imbestigasyon.