-- Advertisements --

ILOILO CITY-Naabo ang buong barangay hall ng Brgy Purok III, Pavia, Iloilo matapos nasunog.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay SFO4 Nicolas G Selorio, Acting MFM ng Bureau of Fire Protection, Pavia, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng barangay hall.

Partially burned naman ang dalawang bahay na katabi lang ng barangay hall.

Bago nangyari ang sunog, may narinig ang mga residente na pagsabog na sinundan naman ng brown-out.

Walang gamit na naisalba sa loob ng barangay hall dahil walang tao nang mangyari ang sunog.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa insidente.