-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nananatili pa rin sa mga morgue sa United Kingdom (UK) ang maraming bangkay ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Marben Orfiano, biochemist sa UK, sinabi nito na kasama sa mga nakapreserba sa mga morgue ang ilang bangkay ng mga nasawing heaalth workers doon.

Ayon kay Orfiano, 20 percent sa kabuuang bilang ng mga nasawi sa UK dahil sa COVID-19 ay pawang mga health workers, kasama na ang maraming mga Pilipino.

Hindi aniya bata-basta ang paglibing sa mga ito bilang paggalang na rin ng pamahalaan ng UK sa karapatan at sakripisyo ng mga pumanaw na health workers.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ang paraaan nang paglibing sa mga namatay na health workers sa UK.

Samamtala, naipahatid na ang £60,000 na ayuda para sa pamilya ng mga nasawing health workers.

Samantala, pag-aaralan aniya ng UK gov’t kung luluwagan ang mga mahigpit na protocols doon bilang preventive measure kontra COVID-19 habang patuloy ang mga pag-aaral para sa bakuna o gamot ng nasabing sakit.

Batay sa tala, higit 201,000 ang kaso ng COVID-19 sa UK at higit 30,000 dito ang mga nasawi.