-- Advertisements --

La Union – Bangkay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki habang palutang-lutang ito sa Amburayan River sa Barangay Namaltogan, Sudipen, La Unuion

Nakilala ang biktima na si Danilo Lubindino, 59, residente ng Barangay Dalawa, Alilem, Ilocos Sur.

Ayon sa La Union Police Provincial Office at Sudipen Police, nanghuli ng isda sa ilog ang biktima ngunit nalunod hanggang sa ianod ang katawan nito sa bayan ng Sudipen.

Isang concerned citizen naman ang nakakita sa bangkay ng biktima habang papunta sa ilog.

Bagamat naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ay idinekla na itong dead on arrival.

Patuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakalunod ng biktima.