-- Advertisements --

BANGA, SOUTH COTABATO – May naitalang panibagong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Albert Palencia sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Mayor Palencia, isang 32-anyos na guro ang nagpositibo na nagtuturo sa isang paaralan sa General Santos City.

Nakasalamuha umano nito ang isang 58-anyos na guro na unang nagpositibo sa virus.

Noong Agosto 2, 2020 umuwi dito sa bayan ng Banga ang guro at nanatili ng ilang araw hanggang sa bumalik sa General Santos City noong Agosto 15, 2020.

Dahil sa naging symptomatic ang nasabing pasyente ay dinala na ito sa covid hospital.

Sa ngayon, nagsasagawa ng contact tracing ng Municipal Health Office ng bayan ng Banga at dalawang barangay ang kanilang tinututukan sa kasalukuyan.