-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantalang isasara ang Office of Consular Affairs nito sa ParaƱaque City at iba pang opisina ng ahensya ngayong araw dahil sa bagyong Ulysses.

Suspendido rin ang pasok sa mga DFA offices mula sa mga naturang rehiyon: Region II, Reion III, Region IV, Region V, Cordillera Autonomous Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Nag-abiso naman ang ahensya sa mga aplikante na may confirmed appointments na ilipat na lamang sa ibang araw ang kanilang appointment sa pamamagitan ng pagse-send ng email sa kanilang opisina.

Ilalagay lamang ang inyong mga pangalan, date of birth, orihinal na oras at petsa ng inyong appointment at maging ang inyong napiling petsa at oras para sa bagong appointment.

Ayon sa DFA, balik sa normal ang kanilang operasyon sa Nobyembre 16, araw ng Lunes.