Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang bagyo ngayong weekend.
Ito ay matapos ganap na lumakas ang low pressure area (LPA) sa silangan ng ating bansa.
Namataan ito sa layong 2,110 kilometro sa silangan ng Eastern Visayas.
Taglay ng bagyo ang lakas na hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na 70 kilometro bawat oras.
Kung papasok sa PAR bibigyan ito ng local name na “Francisco.”
Mababa ang tyansa na mag-landfall ang bagyo ngunit maaaring palakasin nito ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Bunsod naman ng easterlies, ang Metro Manila, Visayas, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat, lalo na pagsapit ng hapon at gabi.
















