-- Advertisements --

Nagsagawa ang Baguio City ng grand street parade at kompetisyon bilang pagdiriwang ng Panagbenga Festival ngayong taon.

Naging makulay ang programa sa pamamagitan ng pagtatanghal ng 13 contingents na nakibahagi sa kompetisyon.

Libu-libong indibidwal ang dumagsa sa Melvin Jones Football Grounds upang saksihan ang mga presentasyon.

Ang Baguio City, Nueva Ecija, Pangasinan, Ilocos Sur, at Kalinga ay kabilang sa mga sumabak sa open category.

Sa Linggo, gaganapin ang engrandeng float parade ng Baguio, na tampok ang 33 floats.