-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kalunoslunos ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol makaraang itinapon ito ng kanyang ina sa ilalim nga mga bahay malapit sa creek sa Brgy. Nabitasan La Paz, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Barbara Joy Aroza, sinabi nito na natagpuan ang patay na sanggol ng mga mangingisdang napagawi sa lugar.
Ayon kay Aroza, inakala ng mga nakakita na isang manika ang sanggol.
Agad naman nila itong nilapitan at laking gulat nang matuklasan ang isang patay na sanggol.
Samantalang nakita rin sa loob ng plastic bag ang inunan at umbilical cord ng bagong silang na sanggol.










