-- Advertisements --
Ipinakita ng Miss Universe Organization ang korona na mapapanalunan sa darating na Enerog 2023.
Tinawag ito na Mouawad “Force for Good” crown.
Deneseniyo ito ni Fred Mouawad ang korona na mayroong 110 carats ng blue sapphires at 48 carats ng white diamonds.
Ang pinaka-centerpiece nito ay mayroong 45.14 carat na royal blue sapphire na nakalagay sa gitna na siyang sumisimbolo ng pag-asa para sa maliwanag na kinabukasan.
Ito na ang pangalawang crown ni Mouawad para sa Miss Universe na ang una ay sa “Power of Unity” na ibinigay noong 2019 hanggang 2021 na mayroong 62.83 carat golden canary diamond.
Gaganapin ang 71st Miss Universe sa Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.
Magiging pambato ng bansa naman si Celeste Cortesi.