-- Advertisements --

Inilabas na ng legendary band na The Beatles ang bagong kanta na may boses pa si John Lennon.

Ang kantang “Now and Then” ay itinuturing n huling kanta ng banda na inilabas sa double A-sided single kasama ang 1962 na unang kanta nilang “Love Me Do”.

Ginamitan ang nasabing kanta ng makabagong Artificial Intelligence sa boses ng namayapang miyembro na si Lennon.

Ginawa ni Peter Jackson ang naging director ng 2021 documentary series na “The Beatles: Get Back”.

Sinabi nito na naihawalay nila ang boses at instrumento kaya nagamitan nila ito ng AI power.

Ang nasabing kanta kasi ay ni-record ni Lennon sa kaniyang bahay noong dekada 70.