-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tagumpay na naaresto ang isang newly indentified drug personality sa naisagawang drug buy bust operation sa Barangay Valenciano, Banna

Kinilala ni Police Lt. Kester Arellano, hepe ng PNP Banna ang suspek na si Francis Nezat y Verzosa, 43-anyos, may live-partner, driver at resident eng Brgy. Lorenzo sa nasabing bayan.

Ayon kay Arellano, dumating ang suspek mula sa Metro Manila bago ang eleksyo at may mga impormasyon silang natanggap hingil sa iligal na aktibidad nito.

Aniya, sa pamamagitan ng mga nakalap nilang impormasyon ay nakumpirmang may iligal na aktibidad ang suspek dahilan upang maikasa ang operasyon.

Sinabi ni Arellano a simula lunes ay may transaksyon na sila suspek ngunit nag-iba ito hangganag sa hindi natuloy dahil sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, inihayag nito na tagumpay na nahuli ang suspek kahapon sa Brgy. Valenciano matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang oulis na nagpakilalang poseur buyer.

Maliban sa ibinenta ng suspek ay nakumpiska pa mula rito ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, 1,000 pesos na buybust money, bisikleta at personal na pera na nito na may kabuuang P251.

Umabot lahat sa P6,800 ang halaga ng nakumpiska mula sa suspek.

Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng PNP Banna at suspek at inihahanda na ang reklamong isasampa dito o ang RA 9165 oComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.