Sinimulan na ng bagong talagang Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang reorganization sa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Ito ay matapos pirmahan ni Laurel Jr. ang Special Order 1360 na nagbibigay daan sa appointment ng bago nitong chief of staff at head executive assistant na si Alvin John Balagbag.
Si Balagbag ang papalit kay Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez.
Hinirang din ni Laurel Jr. si Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra bilang head ng Kadiwa program. Papalitan naman ni Guevarra ang nadismis na DA official na si assistant secretary Kristine Evangelista.
Maliban dito, opisyal na ring lumipat si Laurel Jr. sa opisina ng pinakamataas na opisyal ng DA na dating inukupa ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban
Hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado ng DA, kasama na ang mag bureau, regional office, at attached agencies nito na supurtahan ang bagong liderato.
Maalalang noong nakalipas na linggo ay pormal na inanunsyo ni PBBM ang pagtatalaga niya kay Laurel bilang kalihim ng DA.
Ito ay kasabay na rin ng kanyang tuluyang pag-alis sa posisyon na mahigit isang taon niyang hinawakan.