Tila “at home” agad ang bagong foreigner boyfriend ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pamilya sa United Kingdom.
Ito’y matapos makasama na ng Venezuelan businessman na si Jeremy Jauncey ang ina at step father ng pangatlong Pinay Miss Universe sa hapag-kainan .
Kabilang sa mga pagkaing Pinoy na inihanda mismo ng ina ni Wurtzbach ay ang bersyon nito sa chicken adobo at bola-bola na may misua soup.
Nabatid na pinili ng 30-year old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, na limitahan ang pag-post sa mga larawan nila ng nobyo habang nasa kanilang bakasyon abroad.
Ito’y dahil ayaw daw maging insensitive sa sitwasyon ng kanyang Pinoy fans na tila dahil sa coronavirus pandemic.
Si Jauncey ay ipinanganak sa Venezuela pero sa Scotland na lumaki.