Muli na namang naglingkod sa Kapwa-Tao ang mga membro at aplikante ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club NCR X -Club Applicant ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.
Kahapon December 10, 2023 ay kanilang ipina abot sa kanilang kapwa OFW sa Hong Kong na si Mary Gil I. Amores na biktima ng nakamamatay na sakit na CERVICAL CANCER .
Si Mary na ginagabayan ng grupong FILMCASS-Hong Kong (Filipino Migrants Cancer Support Soceity-Hong Kong) sila ung mga grupo na nagbibigay ng moral, physical at financial support sa ating mga kababayan na may cancer.
Ang kanilang sinusuportang pondo ay nanggagaling din mula sa butontaryong kontribusyon ng kanilang membro at sa mga ibat-ibang Filipino Grup at Asosasyon sa Hong Kong na may mga mabubuting puso sa kapwa-tao.
Dahil dito at sa pakikipag ugnayan na din ni Ginang Maritez Cruz na Presidente ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Lady Eagles Club kay Ginang Noreen Bungyad Bricia na Secreatary ng FILMCASS ay ibinigay ng mga Aplikante at membro ng nasabing Club ang kanilang kaunting tulong na nagkakahalaga ng humigit sa P12,800 pesos ( 1810.00HKD ) para makatulong kay Ginang Mary na taga Malaybalay City, Bukidnon na may Cervical Cancer, sya ay 45 years old pa lamang at umaabot humigit kumulang na dalawang taon pa lamang sa kanyang Employer dito sa Hong Kong ay hindi nakapag renew ng kanyqng kontrata dahil sa na diskubreng karamdaman.
Sa kasalukuyan ay napauwi na siya sa Pilipinas dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makahanap ng kanyang bagong employer at wala din siyang nakuhang sponsor para gamotin ang kanyang sakit sa Hong Kong. Ganon pa man ay abot ang kanyang pasasalamat dahil siya pa din ay hindi pinababayaan supportahan at padalahn ng kaunting financial support ng kanyang mga kapwa OFW lalo na ang kanyang mga naging kaibigan noong siya ay nasa Hong Kong pa.
Sa pakikipag ugnayan ng ating Hong Kong Bombo International Correspondent Marlon Pantat De Guzman kay Ginang Maritez Cruz ay ipinaliwanag ng Lady Eagles President na ang ginagawang pagtulong ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ay pangunahing tungkuling ng mga membro The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles na kanilang kinabibilangan bilang First Philippine Born Socio-Civic Fraternal Organization sa ating Bansa na may adhikain na maglingkod sa Sangka-Tauhan sa pamamagitan ng pinalakas na Kapatiran (HUMANITARIAN SERVICE THROUGH STRONG BROTHERHOOD) na kanilang sinumpaan sa isip, salita at sa gawa.