Malugod na tinanggap ni Pope Leo XIV ang bagong Ambassador ng Pilipinas sa Holy See na si Raphael Perpetuo Mercado Lotilla sa Vatican noong Hulyo 1, 2026.
Nagkaroon ng pormal na pagpupulong ang dalawa matapos iharap ni Lotilla ang kanyang credentials o opisyal na dokumentong nagpapatunay sa kanyang pagtatalaga bilang kinatawan ng Pilipinas sa Holy See.
Si Lotilla ay dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at nagsilbi rin bilang kalihim ng Department of Energy sa dalawang magkaibang administrasyon.
Nagtapos siya ng kursong Psychology, History, at Law sa University of the Philippines Diliman, at kumuha ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos.
Bukod sa pagiging abogado at propesor, nagsilbi rin si Lotilla sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan at akademya, kabilang ang National Economic and Development Authority (NEDA), at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).
















