-- Advertisements --

Umani ng papuri mula sa mga fansi ni BTS member Jung Kook matapos na ilabas nito ang bagong album niya.

Tinawag pa ng iba siya bilang bagong “pop king” at “pop bliss”.

Ang nasabing solo album nito na “Golden” ay inilabas habang ang kasamahan nito sa BTS ay nasa military service.

Naglalaman ang album na mga kanta na kasama ang ilang mga singer gaya nina Ed Sheeran, Latto at Shawn Mendez.

Magugunitang ang BTS ang itinuturing na pinakasikat ng KPop group sa mundo na mayroon silang ilang milyon fans.