-- Advertisements --
LEBRON DAVIS

Inamin na rin ng Los Angeles Lakers big man na si Anthony Davis na nawala ang kanyang pagiging agresibo sa kanilang pagkatalo sa Game 3 sa kamay ng Miami Heat.

Ayon kay Davis, dahil sa foul trouble na maaga niyang nakuha, nawalan daw siya ng gana na gawin ang dating ginagawa.

Kung maaalala umabot lamang sa 15 points ang naipasok ni Davis.

Sa fourth quarter naman, halos nangitlog na siya dahil wala man lamang kahit isang puntos.

Sa kabila nito siniguro ng All-Star forward at center, babawi siya sa kanyang performance bukas upang tuluyang masungkit ang kampeonato.

“You look forward to it,” ani Davis. “You want to go out there and play well.”

Ito rin naman ang inaasahan ni Lakers superstar LeBron James, na babalik muli ang nakakabilib na performance ni AD.

Samantala sa kampo naman ng Miami Heat, inaasahan na raw ni Kelly Olynyk na magpapakita ng ibang diskarte ang Lakers bukas.

kelly olynyk
Miami’s Kelly Olynyk

Sinabi pa nito, ang ginawa nilang istilo sa Game 3 upang maharang sina Davis at LeBron ay pag-iibayuhin pa nila.

Mas mahalaga ngayon ang ginagampanang papel ni Olynyk sa Miami sa NBA finals dahil sa injury ng kanilang big man na si Bam Adebayo at Goran Dragic.

”We’ve got to be better ourselves,” dagdag pang paliwanag ng Canadian 6’11” na si Olynyk. “The same game we played in Game 3 isn’t going to win Game 4 we know that.”