NAGA CITY – Patay ang isang babae matapos mabangga ng motorsiklo sa Zone 2, Cararayan, Naga City kahapon, Hunyo 5, 2023, malapit sa Mater Salutis Parish.
Kinilala ang biktima na si Josephine Obal, 63-anyos, residente ng Zone 2, Sampaguita Street, sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na habang tumatawid sa kalsada ang biktima ng bigla itong mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng isang Nurse na si Roden Andes, 31-anyos, residente ng Zone 5, Berva street, Old San Roque, Pili, Camarines Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa pagmutan para sa asistensya medikal ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.