-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang babae matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa bahagi ng karagatan sa Limasawa, Southern Leyte.

Kinilala ang nasawi na si Adelaida Palero.

Ayon kay Senior Chief Petty Officer Renato Salvame ng Philippine Coast Guard (PCG), patungon sa naturang isla ang motorbanca nang hampasin ng malakas na alon dulot umano ng tropical depression Falcon.

Sa kabila nito, nakaligtas ang 15 sakay kasama ang dalawang creww matapos ma-rescue ng mga otoridad.

Sa ngayon nakatakda raw sampahan ng kaso ang may-ari ng bangka matapos mabatid na walang itong lisensya para makapag-operate.

Mahigpit naman ang paalala ng PCG sa publiko hinggil sa suspensyon ng mga biyahe sa dagat dahil sa masamang panahon.