-- Advertisements --

Pumanaw na ang Australian television star at singer na si Johnny Ruffo sa edad na 35.

Ayon sa kaniyang kaanak na hindi na nakayanan nito ang sakit nitong brain cancer.

Taong 2017 ng ma-diagnose siya ng nasabing sakit at mula noong ay naglunsad ito ng funding at awareness sa braine cancer sa Australia.

Nakilala ang actor sa reality show na X-Factor Australia bago bumida sa soap opera na “Home and Away”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga nakasama nito sa soap opera at X-Factor gaya ni Spice Girl member na si Mel B.