-- Advertisements --

Nangako ang Australia ng mga dagdag ng mga tulong militar sa Ukraine.

Sa ginawang surprise visit ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ay nakipagpulong ito agad kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Isa sa mga tinalakaya ng dalawang opisyal ang mga tulong na maipapaabot ng Australia sa Ukraine na aabot sa $68 milyon.

Kinabibilangan ito ng mga drones at 34 na dagdag na mga armoured vehicles.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ni Albanese ang pagpataw ng sanctions at travel bans sa 16 na mga Russian ministers at oligarchs ganun din ang pagtatapos na ng pag-angkat ng mga Russian golds.

-- Advertisement --