-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa pagamutan ang asawa ni House Speaker Nancy Pelosi matapos na siya ay atakihin ng isang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa San Francisco.

Ayon sa mga kapulisan na armado ng martilyo ang suspek at tinangka pang igapos si Paul Pelosi.

Hinahanap pa aniya ng suspek ang kinaroroonan ng House Speaker na sa mga oras na iyon ay nasa Washington siya.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek at ito ay nasa kustodiya ng mga kapulisan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo nito sa nasabing pang-aatake kay Pelosi.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagpost sa kaniyang social media account ang suspek tungkol sa conspiracy sa COVID-19 vaccines at ang 2020 election ganun din ang January 6 Capitol attack.

Nakausap na ni US President Joe Biden si Speaker Pelosi at hangad nito ang mabilisang paggaling ng asawa.