-- Advertisements --
Pinabulaanan ng international pop singer na si Ariana Grande ang inilalabas ng ilang entertainment websites na siya ay home-wrecker.
Lumalabas kasi sa ilang tabloid sites na siya umano ang dahilan ng paghihiwalay ng hollywood actor na si Ethan Slater at asawa nito.
Inilarawan lang ito ni Grande bilang frustrating at hellish. Sinisisi niya rin ang ilang tabloid dahil sa pagpapalabas umano ng negatibong imahe laban sa kaniya.
Dagdag pa ng singer, ang problema raw sa ilang entertainment site ay iniiba ang katotohanan para makabuo ng kwentong kakagatin ng mga tao lalo na at mga kababaihan lang umano ang nagiging target ng third party at breakup rumors.
Matatandaan na noong 2023 ay nag-divorce si Ariana at Dalton Gomez.