-- Advertisements --
Hinihintay pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng kanyang legal team sa Anti-Terror Bill bago ito aksyunan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi pa niya nababasa ang kabuuan ng panukalang batas at ipinauubaya sa legal team ang pag-aaral.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa rekomendasyon ng kanyang legal team siya magbabatay ng aksyon kung pipirmahan o i-veto ang kontrobersyal na panukalang batas.
Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na maliban sa mga teroristang Abu Sayyaf, pangunahing banta rin sa seguridad ng bansa ang mga komunistang grupo.
















