Nakikitang patuloy ang pagbaba pa ng antas ng tubig sa Angat dam dahil sa kaunting mga pag-ulan sa bansa bunsod ng epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay DOST Assistant Weather Services chief Chris Perez, sa nakalipas na 24 oras nakapagtala ang ahensiya ng napakaliit na pagbaba sa antas ng tubig sa dam subalit inaasahan anya na ang lebel ng tubig sa Angat at iba pang water reservoir ay lalo pang bababa sa susunod na mga araw o linggo dahil sa kakaunting mga pag-ulan sa ilang parte ng bansa kabilang na sa Gitnang Luzon.
Dagdag pa nito na posibleng magtutuloy pa ang pagbaba ng antas ng tubig na dam maliban n alamang kung mayroong malakas na bagyong pumasok sa bansa.
Aniya, karaniwang nakakaranas ng bayo ang bansa sa first half ng taon.
Kaugnay ng inaasahang pagbaba pa ng antas ng tubig sa Angat dam at iba pang pinagkukunan ng suplay ng tubig, nanawagan ang ahensiya sa mga ahensiya ng gobyerno at stakeholders na maghanda at magpatupad ng mga programa na makakatulong para ganap na magamit ang iba pang water resources.
Kung mababatid, ang Angat dam ang nagsusuplay ng 98% ng malinis na tubig sa buong Metro Manila sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).