-- Advertisements --

Pabor sina Anne Curtis at Maxene Magalona sa pagsasalegal ng divorce sa bansa.

Sa social media account nito ay nagshare ng informal survey ukol sa nasabing usapin.

Tinawanan lamang ng actress na karamihan sa mga lalaki ang kontra sa nasabing usapin.

Sa panig naman ni Magalona, sinabi nito na mararapat na magkaroon na ng divorce sa bansa.

Kinumpirma rin ng 37-anyos na actress na hiwalay na sila ng asawang si Rob Manaquil noong 2022 matapos ang apat na taon na kasal.

Giit nito na kapag ikinakasal ang mga tao ay hindi garantiya na ang relasyon nila ay magtatagumpay.