-- Advertisements --

NAGA CITY – Umatras na sa kaniyang kandidatura sa pagka-kongresista ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur ang aktor na si Anjo Yllana.

Nabatid na papalit sa comedian/TV host si Tony Chavez na dating nanungkulan bilang alkalde sa bayan ng San Jose sa nasabing lalawigan.

Ito’y matapos maghain na rin ng kaniyang kandidatura si Chavez bago mag-alas-5:00 ng hapon kahapon.

Nabatid na anim na taong nanilbihan si Chavez bilang alkalde sa San Jose.

Makakatunggali pa rin ni Chavez ang incumbent congressman na si Arnie Fuentebella sa darating na halalan.

Samantala, muling tatakbo bilang gobernador ng lalawigan si dating Budget Secretary at Congressman Rolando “Nonoy” Andaya.