-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni Angeline Quinto na ito ay malapit ng magtapos sa kolehiyo sa buwan ng Hunyo.
Isinesikreto sana nito sa kaniyang asawang si Nonrev Daquina at pamilyan nito subalit binati siya sa isang event na dinaluhan niya.
Sinabi nito na kumuha siya ng Business Management, Major in Marketing sa Immaculada Concepcion College.
Dagdag pa nito na naging hamon sa kaniya ang pagbalanse ng oras sa pamilya, pag-aaral at sa singing career.










