-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Hollywood actress na si Angelina Jolie na siya ay bababa bilang special envoy ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).
Ayon sa 47-anyos na si Jolie na nais niyang maiba naman ang tututukan niya matapos ang 20 taon na pagtatrabaho sa UN.
Mayroong mahigit 60 field missions sa UNHCR itong trabaho para bigyan ng tahanan ang mga homeless.
Dagdag pa nito na handa naman siyang tumulong at bigyang suporta ang mga refugees at ibang mga tao na walang tirahan.