-- Advertisements --
Inabisuhan ng Local government of Angeles, Pampanga ang lahat ng pribado at pampublikong paaralan na walang pasok simula October 16 hangang 17 dahil sa nationawide transport strike ng grupong Manibela.
Hinikayat ng City government ang mga paaralan na magsagawa ng online o modular learning bilang alternatibong pamaraan ng pag-aaral ng mga estudyante sa mga nabanggit na petsa.
Ayon kay Mayor Carmelo Lazatin Jr., may limang libreng sakay na mga bus ang nakaantabay para maghatid sa mga empleyado ng city hall at publiko.
Ang limang bus ay pupwesto sa mga strategic areas sa Angeles City para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero sakaling magkaroon ng transport strike.