-- Advertisements --
Naging emosyonal ang anak ng US rapper Snoop Dogg na si Cori Broadus matapos na dumanas ito ng “severe stroke” sa edad na 24.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan niya habang ito ay nakaratay sa pagamutan.
Sinabi nito na hindi siya tumigil sa pag-iyak matapos na ibunyag ng kaniyang doctor ang sakit niya.
Itinuturing ng mga doctor ang stroke na katulad ng heart attack sa utak.
Nangyayari ito kapag ang suplay ng dugo sa utak ay huminto.
Nagpaabot naman ng mensaheng nagpapatatag ng loob ang mga kaibigan nito.