-- Advertisements --
Inanunsiyo ng American singer-songwriter na si Sasha Alex Sloan na ito ay magsasagawa ng concert sa bansa.
Gagawin nito ang “Me Again” Asia Tour sa darating ng Agosto 19 sa Podium Hall sa lungsod ng Mandaluyong.
Bukod sa Pilipinas ay magsasagawa rin ito ng mga concerts sa Kuala Lumpur, Singapore, Hong Kong, Bangkok, Jakarta, Tokyo,Taipei, Kaohsiung at Seoul.
Nakilala ang singer sa mga kanta nito gaya ng “Dancing With Your Ghost” , “Older”, “Hero”, “I’ll Wait” at maraming iba pa.