-- Advertisements --

Pumanaw na ang US composer na si Burt Bacharach sa edad 94.

Ayon sa kampo nito na nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Los Angeles dahil na rin sa katandaan.

Ilan sa mga sikat na ginawa nitong kanta ay ang “Raindrops Keep Fallin’ on My Head”, “Do You Know The Way to San Jose” at maraming iba pa.

Sumulat ito ng mahigit 500 kanta kung saan kinanta ng ilang mga sikat na singers gaya nina Dionne Warwick at Carpenters.

Nagwagi ito ng anim na Grammys awards at tatlong Oscars.

Nagsilbi siya sa US Army noong kasagsagan ng Korean War pero nakasuot ito ng tuxedo imbes na military uniform kung saan nagtugtog siya ng piano.