-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actor na si Adam Rich sa edad 54.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ng actor sa kanilang bahay sa Los Angeles.

Hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye sa pagpanaw ng actor.

Nakilala ang actor sa pagganap nito sa US TV show na “Eight Is Enough” mula 1977 hanggang 1981.
Nag-aral siya ng acting sa Chatsworth High School sa San Fernando Valley.

Noong 1991 ay naaresto ito dahil sa paggamit ng iligal na droga.