Iniulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na humingi ng tawad ang ambassador ng China sa pagpapaputok ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Lorenzana na hindi sinasadya ang umano’y pag-atake ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG).
Aniya, ang sitwasyon ngayon ay tahimik, stable, at wala namang nangyayaring mga kaguluhan sa West Philippine Sea.
Noong Nobyembre 18 noong nakaraang taon, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dalawang supply boat ng Pilipinas sa isang resupply mission sa Ayungin Shoal ang pinaputukan ng water cannoned ng Chinese Coast Guard vessel noong Nobyembre 16.
Sinabi ni Locsin na ipinarating niya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at sa kanyang Chinese counterpart sa Beijing ang “pang-aalipusta, pagkondena at protesta ng Pilipinas sa insidente.”
Kinondena rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aksyon ng mga barko ng China, kung saan tinawag itong kasuklam-suklam.