-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagsagawa na ngayon ang tauhan ng Sta. Ana PNP ng hot pursuit operation laban sa isang ama na bumaril sa kanyang sariling anak.

Nakilala ang suspek na si Jhon Michael Antonio, 47, habang ang biktima na anak nito ay nakilalang si Feb Adrian Calo, 17.

Base sa imbestigasyon ng Sta Ana PNP, nagalit umano ang suspek matapos itong palipatin ng kanyang anak sa ibang kuwarto.

Sinasabing bago nangyari ang pamamaril, nakipag-inuman pa ang suspek na si Antonio kasama ang isang kaibigan sa loob ng kuwarto sa kanilang bahay.

Ngunit bigla na lamang umanong nagkagulo matapos na pinalipat ang biktima kasama ang kanyang kapatid sa ibang kuwarto.

Sinasabing nangyari pa ang habulan palabas sa kanilang bahay hanggang sa kumuha ng bato ang biktima at itinapon sa kanyang ama dahilan na kinuha ng suspek ang kanyang armas at binaril ang biktima sa loob ng tatlong gamit ang .38 revolver.

Nagtamo ang biktima ng tama sa kanyang leeg na dahila ng kanyang kamatayan.

Matapos ang nasabing insidente, agad naman na tumakas ang suspetsado.

Sinampahan na rin ng kasong Parricide ang ama ng biktima.