-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ninanais ng alkalde ng Bokod sa lalawigan ng Benguet na mapanatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa kanilang bayan kahit mapaso na ito sa Mayo 15.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Thomas Wales Jr., sinabi nitong hanggang sa ngayon ay walang pang test kits ang kanilang bayan para sa COVID0-19.

Hindi rin sigurado aniya kung mayroon o walang positibong kaso ng COVID-19 sa Bokod dahil sa kawalan ng test kits.

Kaya mas nais niyang mapanatili ang ECQ sa kanilang bayan para maisagawa ang mass testing kung magkakaroon sila ng test kits.

Gayunpaman, tiniyak ni Wales na nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Bokod kapag maipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Mayo 15.