-- Advertisements --

Walang takot na napakuha ng ‘nude’ ang beteranang actress na si Alicia Silverstone.

Kinuha kasi ang actress bilang isa sa mga mangangampanya ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) laban sa paggamit ng mga leather o balat.

May slogan ang nasabing kampanya na “Wear Vegan, Buy cactus, mushroom or apple leather instead.

Sa inilabas na video sinabi ng actress na kakayanin niya ang maghubad para lamang magkaroon ng awa ang tao sa mundo.

Noong 2020 ay nagpost na rin ang actress ng nude sa kampanya rin ng PETA laban sa pagkain ng mga karne.