-- Advertisements --

Personal na humingi ng paumanhin ang actress na si Alex Gonzaga sa waiter na kasama sa viral video na kaniyang pinahiran ng cake.

Ayon kay Allan Crisostomo na pinuntahan siya personal ng actress nitong Enero 17 sa kaniyang pinagtatrabuhan.

Nag-sorry umano ang actress na malugod naman niyang tinanggap ito.

Sa social media post naman ng actress na humingi na ito ng kapatawaran kay Crisostomo at maging sa kaniyang pamilya dahil sa kahihiyan na inabot nila sa social media.

Pagtitiyak nito na magiging aral na sa kaniya ang pangyayari at hindi na ito mauulit pa.

Magugunitang umani ng batikos ang kumalat na video kung saan pinahiran ng actress ang waiter matapos na hipan ang kandila ng kaniyang cake sa kaniyang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.