-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng aktres na si Valeen Montenegro na isinilang na nito ang unang anak nila ng asawang si Riel Manuel.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan.
Umabot aniya sa 28 oras ang panganganak niya bago isinilang ang isang biyaya.
Hindi naman na sila nagbigay ng ibang detalye ng kanilang anak.
Ilan sa mga artista naman ang nagpaabot ng pagbati matapos na mabalitaan ang magandang balita sa aktres.











