Ibinahagi ng komedyante at aktres na si Ai-Ai delas Alas na kanyang pinawalang-bisa ang petition para sa green card ng kanyang dating asawa, na si Gerald Sibayan, matapos ang kanilang hiwalayan.
Sa panayam kay Boy Abunda, sinabi ng komedyante na ito ay bahagi ng kanyang paraan para mag-move on mula sa relasyon.
Ayon kay Ai-Ai, bagama’t una ay nag-aalangan siyang i-revoke ang petition, napagdesisyunan niya ito bilang hakbang para sa kanyang sariling paghilom at hindi bilang ganti.
Ipinahayag din niya na ang pag-revoke ng green card ay kasabay ng kanyang pag-file ng divorce, at sa ngayon, wala na si Gerald sa ilalim ng kanyang petition.
Sa usapin ng kanyang personal na paglimot, inamin ng aktres na patuloy pa rin siyang nakararamdam ng lungkot paminsan-minsan, ngunit nasa proseso na siya ng pag-move on at nananatiling positibo sa buhay.
 
		 
			 
        












