-- Advertisements --

Ibinenta na ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas ang engagement at wedding rings mula sa dating asawang si Gerald Sibayan.

Ayon sa aktress na ang pagbebenta nito ay bilang isang uri ng closure matapos ang kontrobersyal na hiwalayan.

Sa ginawang pagbenta niya sa kilalang influencer na si Boss Toyo, sinabi nito na ito na ang pangatlong singsing na bigay ng dating asawa dahil nawala ang unang dalawang ibinigay niya.

Ang mga singsing ay nabili sa halagang P250,000 na ito ay tinawaran mula sa hirit ng aktress na P350,000.