Kinumpirma ng kampo ng Korean superstar na si Lee Seung Gi na expecting na muli sila ng kanyang asawang si Lee Da In sa kanilang ikalawang anak.
Batay sa anunsyo ng talent agency ng aktor na Big Planet Made, nasa ikalimang buwan na ng kaniyang pregnancy ang aktres.
Masayang ibinahagi ng ahensya ang balita na maituturing na mabilis na nasundan, kung saan matatandaang noon lamang Pebrero 2024 isinilang ng mag-asawa ang kanilang panganay.
Kung babalikan, ikinasal ang celebrity couple noong Abril 2023, dalawang buwan matapos ang kanilang engagement. Una nilang isinapubliko ang kanilang relasyon noong 2021.
Sikat sa mga Pilipino si Seung Gi dahil sa kanyang mga hit K-drama gaya ng My Girlfriend is a Gumiho at Shining Inheritance, habang nakilala naman si Da In sa seryeng Alice at Hwarang.











