-- Advertisements --

Ibinahagi ni Aga Muhlach na bukas siya sa posibilidad na magkaroon ng pelikula kung saan gaganap siya bilang isang bakla.

Magiging masaya raw siya na tanggapin ang isang challenging role gaya ng pagiging bakla at makaroon ng kaparehang aktor na nasa edad 20s to 30s. 

Mayroon din umano siyang pelikulang matagal na niyang gustong gawin at ilang beses na niyang pini-pitch sa mga production company pero hindi nangyayari. Ito raw ay ang role ng isang retired gay performer. 

Kung hindi man daw ngayon ay sa tamang panahon dahil kailangan daw maging maganda ang istorya nito. 

Malaki rin ang pasasalamat ni Aga na kahit edad 54 na siya ay nakagagawa pa rin umano siya ng mga pelikula.