-- Advertisements --

Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi kayang maimpluwensyahan ng sinumang nasa likod ng paggamit sa 18 dating bodyguards ng dating kongresista na si Zaldy Co ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa gitna ng mga usapin ng umano’y tangkang destabilisasyon. 

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na malinaw umanong inilayo ng AFP at Philippine Marines ang kanilang sarili sa grupo ng 18 dating bodyguards at bagman na nagsasabing umano’y naghatid sila ng mga maletang may laman umanong pera sa ilang personalidad na iniuugnay sa flood control scandal.

Ayon sa senador, nagkakamali ang sinumang nag-aakalang maaaring magsilbing “rallying point” ang grupo upang magdulot ng mas malawak na kaguluhan o destabilisasyon.

Giit pa ni Lacson, patuloy pang bineberipika ng Senado, katuwang ang mga intelligence unit ng mga uniformed services, ang mga impormasyong natanggap kaugnay ng posibleng banta sa seguridad.

Aniya, maaaring naagapan na ang anumang panganib matapos magpatupad si acting Senate President Sherwin Gatchalian ng mas mahigpit na seguridad sa Senado at pahintulutan ang work-from-home arrangement para sa ilang empleyado.

Samantala, kinuwestiyon din ng dating hepe ng pulisya ang pagpasok ng grupo sa Senado noong Hunyo 8, ngunit hindi naman dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sa halip ay nagtungo ang mga ito sa tanggapan ni Senator Robinhood Padilla upang magsagawa ng press conference habang nagpapatuloy ang pagdinig.

Dagdag pa niya, may mga pagtatangka din umanong gipitin at harasin si Senate Sergeant-at-Arms (Ret.) P/Maj. Gen. Alfredo Corpuz upang makapasok ang grupo sa Senado.

Batay sa kanyang personal na pagsusuri at karanasan bilang dating opisyal ng pulisya, sinabi ni Lacson na posibleng may mas malawak na plano sa likod ng pagpasok 

ng grupo sa Senado.