Binisita ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Andres Centino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement site sa Balabac, Palawan.
Ininspeksyon niya ang mga pasilidad ng naturang base militar tulad ng runway na nasa loob ng 300 ektaryang airbase ng isla ng Balabac na maaaring gamitin ng parehong militar at maging ng mga residente ng Balabac, Palawan.
Dito ay plano ring itayo ang mga barracks para sa mga tropa ng Pilipinas at Amerika at gayundin ang imbakan ng mga kagamitan at supplies na ginagamit para sa humanitarian assistance, and disaster response.
Gamit din ang pondong alokasyon ng Department of Public Works and Highways ay target din ng mga kinauukulan na patayuan ng airstrip ang naturang site na magbubukas naman para sa commercial air traffic sa lugar.
Paliwanag ni Gen. Centino, layunin nilang bumuo ng mga pasilidad sa isla na may kakayahang agad na ma-detect ang mag sasakyang papasok at lalabas sa isla.
Bukod dito ay nilibot din ng opisyal ang iba pang mga proyekto ng EDCa a loob ng Antonio Bautista Airbase, kabilang na ang mga proyekto sa pag-iimbak ng gasolina sa lugar na maaaring gamitin ng mga militar sa mga susunod pang joint military exercises na kanilang gagawin.
Kung maaalala, una nang ininspeksyon ni Centino ang tatlo pang mga bagong EDCA sites sa Luzon, dalawa sa Cagayan, at isa naman sa Zambales.